6 buwan kulong sa Pakistani welder na nangmolestiya ng Pinay

HINATULAN ng anim na buwan na pagkakabilanggo ang isang Pakistan national assistant welder makaraang mapatunayan ng Dubai Court of First Instance na nagkasala sa pangmomolestiya sa isang Filipina saleswoman sa United Arab Emirates.

Batay sa iginawad na parusa ni Presiding Judge Al Saeed Mohammad Barghout, bukod sa anim buwang pagkakabilanggo, ang 36-anyos na suspek na pinangalanan lamang sa inisyal na M.S. ay napatunayang nang-agaw ng cell phone ng Pinay at nakatakdang ipade-deport matapos ang ipinataw na kaparusahan

Bagamat inamin ng Pakistan ang pang-aagaw ng cellphon, itinanggi naman nito na minolestiya niya ang Filipina at iginiit na aksidente ang insidente.

Inakusahan ng taga-usig ang akusado sa panghihipo at panghahalik sa leeg ng Pinay na labag sa kalooban ng biktima.

Batay sa depensa ng akusado, hindi umano niya sinasadyang masaling ang dibdib ng Pinay  nang iunat niya ang kanyang kamay habang naglalakad .

Ayon sa testimonya ng Filipina, naganap ang pangmomolestiya sa kanya ng suspek dakong 11:30 ng hapon habang pauwi siya sa Al Muraqqabat nang sabayan umano siya ng akusado sa pasilyo, hinablot ang kanyang braso, isinandal siya sa elevator bago hinawakan ang maseselang bahagi ng kanyang katawan at pinaghahalikan sa leeg.

Inagaw pa umano ng akusado ang kanyang cellphone na gagamitin sana niya upang tumawag ng saklolo. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply