6 ‘madre’ pinigil sa NAIA

KUMIKILOS na ngayon ang airport authorities upang madakip ang ahensyang nag-recruit sa anim babaeng nagpanggap na mga madre para makapuslit palabas ng bansa patungong Lebanon.

Ayon kay Airport Immigration Officer Joel Valencia, katulong na nila ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa ginagawang imbestigasyon upang madakip ang isang lalake na itinuturo ng anim na babae na nag-recruit sa kanila.

Batay sa imbestigasyon, ang anim na babae ay pinigil at idinetine na sa Manila airport matapos mabistong nagpapanggap bilang mga madre para makapuslit patungong Lebanon.

Nabatid na ang anim ay bibiyaheng Hong Kong para dumalo umano sa religious seminar.

Naghinala naman ang immigration officials nang mapansin ang kakaibang kasuotan at kilos ng anim na babae.

Sa interogasyon, umamin ang anim na papunta sila sa Lebanon para magtrabaho bilang domestic helpers.

Magugunitang simula noong 2007, ipinatutupad na ang deployment ban sa Lebanon dahil sa kaguluhan doon at kulang na legal protection para sa mga manggagawa. Johnny F. Arasga

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply