600 stalls sa Divisoria at Binondo ikakandado

SUMALAKAY ang Bureau of Internal Revenue kasama ang Criminal and Investigation and Detection Group sa mga mall sa Binondo at Divisoria upang ikandado ang may 600 na stalls na umano’y lumalabag sa mga internal revenue code.

Ayon kay Manila Regional Director Alfredo V. Misajon sa isang report sa dzBB, may 600 na stalls ang ikakandado sa pagsalakay ng CIDG sa mga mall kabilang dito ang 168, Tutuban Mall, at 1188 mall.

Ikakandado  ang mga stall sa naturang mall dahil sa bigo ang mga ito na makapagpresinta ng mga business permit, wala ring tamang resibo, hindi rehistrado sa VAT at hindi nagbabayad ng tamang buwis.

Dagdag pa ni Misajon, nag-abiso na sila sa mga ito upang makumpleto ang kanilang mga kakulangan ng 48 hours ngunit ibinasura lamang ang kanilang babala sa paglabag sa mga naturang internal revenue code.

Matatandaang ilang beses nang sinalakay ang mga naturang mall dahil din sa ibinebentang produkto na umano’y smuggled.

Isinagawa ang pagsalakay bunsod na rin sa panawagan ng kampanya ng administrasyong Aquino na palakasin ang koleksyon sa BIR upang magamit sa mga proyekto ng pamahalaan. Marj Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply