60,000 pamilya apektado na ng baha sa Northern Samar

UMAKYAT na sa 60,000 pamilya ang apektado ng mga baha dulot ng pag-ulan sa Northern Samar.

Batay sa panayam ng DZMM, sinabi ni Northern Samar Governor Raul Daza na umabot na sa tatlo hanggang apat na metro ang lalim ng baha sa bayan ng Catubig at Las Navas.

Dagdag pa ni Daza, matindi ang pinsalang hatid ng naturang kalamidad sa kanilang produktong agrikultura at imprasktraktura.

Dahil dito, muling nanawagan si Daza sa national government na madagdagan ang tulong sa kanilang lugar dahil na rin sa bansa ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na posible pang magkaroon ng pagbaha at landslide ang mararanasan ng lalawigan bunsod ng marami pang malalakas na ulan ang nakaamba. Marj Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply