7 milyon dumalo sa Pista ng Nazareno, 708 sugatan

TINATAYANG may pitong milyon deboto ang nakilahok sa pista ng Itim na Nazarewno sa Quiapo kung saan 708 ang naitalang nasugatan.

Batay sa report ng pulisya, naging mapayapa ang naturang pagdigriwang ngunit may mga naitalang ilang sugatan tatlong beses ang doble noong mga nagdaang pagdiriwang.  Noong nakaraang taon: 246 lamang.

Ayon kay Metro Manila police chief Director Nicanor Bartolome, sa isang panayam sa dwIZ, umabot sa isang milyon ang tao bandang Quirino Grandstand pa lamang.

Batay sa ulat, kalat ang mga tao sa iba’t ibang karatig lugar ng Quiapo tulad ng Quirino Grandstand, ang iba ay nag-antay sa daraanan ng Nazareno, at ang iba naman ay sa mismong Simbahan ng Quiapo sa Manila.
“Ang kalsada puno ng tao kaya ang aming estimate hanggang matapos dito sa loob ng simbahan umaabot ng seven million ang ating estimate (The streets were so packed, our estimate of those who joined the procession amounted to seven million),” Ayon pa kay Bartolome.

“Ang kalsada puno ng tao kaya ang aming estimate hanggang matapos dito sa loob ng simbahan umaabot ng seven million ang ating estimate (The streets were so packed, our estimate of those who joined the procession amounted to seven million),”dagdag pa nito.

Ayon sa Metro Manila police, 708 sa seven million devotees na lumahok ang nasugatan.

“Very peaceful. Lahat ng pagpaplano ay nasunod at nagpapasalamat tayo sa lahat na tumulong, lahat na may kanya-kanyang role dito, ang simbahan, LGU (local government unit), MMDA (Metro Manila Development Authority), health workers at ibang NGO (nongovernnment organizations), at volunteer groups,” ayon pa kay Bartolome.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply