7 sugatan sa pumutok na shotgun

PITONG pasahero ang nasugatan matapos aksidenteng pumutok ang shotgun ng isang security guard sa EDSA LRT Station sa Pasay City, Martes ng
tanghali.

Ang security guard na kinilalang si Ruel Bustarde, 24, ng Kazaizen Security Agency ay agad na dinakip ng mga awtotidad at iniimbestigahan upang mabatid ang tunay na dahilan ng pagputok ng kanyang hawa na shotgun.

Dakong 12:25 ng tangahali nang maganap ang insidente.

Ayon sa suspek, nagbabantay umano siya sa ground floor at hindi niya mabatid ang dahilan kung bakit pumutok ang kanyang service firearm.

Ang mga biktima – apat na babae at tatlong lalaki – ay nilapatan ng lunas sa San Juan de Dios Hospital bunga ng mga tama ng shrapnel sa kamay braso at ibang parte ng katawan.

Ang suspek ay mahaharap sa kasong multiple physical injuries thru reckless imprudence. Johnny F. Arasga

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply