8-anyos, patay sa bugbog

NAMATAY sa pagamutan Linggo ng madaling araw ang isang walong taong gulang na batang babae sanhi ng matinding pambubugbog ng kinagisnang ina sa kanilang bahay sa Brgy. Datu Esmael, Dasmarinas City.

Kasalukuyang nakapiit ngayon sa detention cell ng pulisya sa lungsod ang suspek na si Aida Escano, 29, step mom ng biktima.

Mismong si Dasmarinas City Mayor Jenny Barzaga ang nagpapasampa ng kasong murder laban dito.

Batay sa isinagawang imbestigasyon ni PO1 Ruby-Lyn Villorente, ganap na alas 8: 30 ng gabi noong Sabado naganap ang pambubugbog na dahilan ng malalaking pasa at lamog sa katawan at ulo ng biktima.

Ayon sa ama ng biktima na si Rolando Relox, 41, natutulog umano siya sa kanyang sidecar sa labas ng kanilang bahay ng gisingin umano siya ng kanyang kinakasama (Aida) at sinabihan na tingnan ang kanyang anak dahil sa umano’y naninigas ito.

Subalit ‘di niya ito pinansin dahil nag-away sila nito bago siya matulog. Nakita na lamang niya umano ito na binuhat ang walang malay na biktima at itinakbo sa hospital.

Ayon naman sa kapitbahay at tiyahin ng biktima na si Olivia Relox, 35, may narinig siyang kalabugan mula sa bahay ng biktima at narinig din umano niya ang malalakas na pag-ungol ng kanyang pamangkin. Makalipas
umano ang ilang minuto ay nakita niyang lumabas ng bahay ang suspek buhat ang kanyang pamangkin.

Itinakbo ang biktima sa La Salle Hospital at doon na nila nakita ang kaawa-awang lagay nito.

Halos nangingitim ang buong katawan ng bata sanhi ng mga malalaking pasa bukod pa sa mga sugat nito sa ulo at katawan. Ayon sa resulta ng pagsusuri ng doktor, nalamog umano ang murang katawan ng bata sanhi ng matitinding pagkakabugbog dito.

Agad na ipinahuli ng ama ng bata at tiyahin nito ang suspek sa mga barangay tanod bago dinala sa himpilan ng pulisya sa lungsod. Alas-singko ng madaling araw nang tuluyan ng binawian ng buhay ang biktima. Gaynor Bonilla

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply