8 hinihinalang carjackers tiklo sa Cavite

TIKLO ang walong hinihinalang miyembro ng carjacking syndicate sa Cavite, Biyernes ng madaling-araw.

Sumugod ang operatiba ng pulisya sa isang subdibisyon sa Brgy. Paliparan III, Dasmariñas City, Cavite, ayon sa dzBB radio report.

Narekober sa  paglusob ang mga damit, flat-screen TV sets at equipment, na pinaniniwalaang nakuha sa tinangay nilang van ng Philippine Postal Corp. sa Cavite noong nakaraang linggo.

Batay pa sa hiwalay na report ng dzBB, nakilala ang lider ng mga hinihinalang hijacker na si Ronaldo Santiago a.k.a. Onad; Joseph Hilario; at Ramil Santiago.

Ayon sa pulisya, nag-ooperate ang naturang sindikato sa Central at Southern Luzon, maging sa Metro Manila.

Nabatid pa ayon sa intelligence reports, nagpaplano na naman umano ng isang carjacking operation ang grupo sa Manila bago masalakay ang kanilang safe house sa nabanggit na lugar.

Nagtulungan ang mga PNP units sa naturang raid na kinabibilangan ng Highway Patrol Group at mga pulis sa Cavite HPG at Special Weapons and Tactics units, Pasay City police at Bataan provincial police.

Samantala, patuloy pa rin ang pagtugis ng pulisya sa mga suspek sa dalawang insidente ng carjacking na pumaslang sa anak ni Marcos lawyer Oliver Lozano at car dealer Venson Evangelista. Marj Dacoro

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply