8 pagyanig naitala sa Bulkang Mayon

MULING nag-alburuto ang bulkang Mayon makaraan makapagtala ng walong (8) pagyanig sa paligid nito, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Batay sa Phivolcs bukod sa pagyanig, nakapagtala rin ng tatlong pagguho ng bato sa paligid ng bulkan.

Nabatid pa sa ulat na nakataas pa rin sa alert level 1 ang bulkang Mayon at ipinagbabawal sa mga residente ang pagpasok sa 6-kilometer radius permanent danger zone (PDZ) dahil sa mga banta ng mahihinang pagsabog. Santi Celario

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply