8 pasaway na PETCs, ipinasara ng LTO

IPINASARA ng Land Transportation Office ang walong pasaway na private emission testing centers na napatunayang may kinalaman sa pag-iisyu ng pinekeng emission test certificates.

Sinabi ni LTO chief Virginia Torres na mas madami pang mga lumalabag sa Clean Air Act Law na PETCs ang susunod na maipasasara dahil sa pinatinding kampanya laban sa mga ito.

Bukod sa walong naipasarang PETCs, 12 pang  testing centers ang sinuspinde ni Torres dahil sa iba’t ibang procedural violations sa pagsasagawa ng negosyo habang 50 iba pa ang nahaharap sa pagkansela sa kanilang lisensiya.

Ang mga naipasara ay ang  Fernandino’s Emission Testing Center sa F.P. Felix Avenue  Brgy. Sto. Domingo, Cainta, Rizal, H.R. Eco Clear Emission Test Center sa F.Halili St., Bagbaguin, Sta. Maria,Bulacan, AMA Smoke Emission Testing Center sa Pitpitan St., Brgy. San Roque, Marikina at ASI Emission Testing Center sa Mayon St., Sta. Mesa
Heights, Quezon city.

Na-padlock din ang ATB Emission Testing Center sa Brgy. Bancal, Meycauayan, Bulacan, Airpool Emission Testing Center sa Pasong Tamo St., San Antonio Village, Makati City, Net Emission Testing Center sa Quirino Avenue, Novaliches , Quezon City at Super Sun Emission Testing Center sa Sports Complex, Tierra Alta, Taal , Batangas.

Suportado naman ng Private Emission Testing Center Operators Association, (PETCOA) sa pamumuno ni Tony Halili ang pagsupil ng LTO sa kanilang hanay at hihilingin umano niya kay Torres na payagan ang isang third-party NGO na bumusisi sa  findings  ng  Monitoring Committee na may ilang  PETCs na napatunayang may procedural infraction pero nasuspinde lamang ang operasyon at hindi naipasara.

Ilan sa mga suspendido ay ang dalawang outlets ng A.M. Pacleb Enterprises sa Chestnut St. cor. Mayor Gil Fernando avenue at sa 194 Mayor Gil Fernando Avenue, Sta. Maria  Marikina City, Bearcat R. Reyes Emission Testing Center sa Concepcion, Pequena, Naga City at EP Emission Testing Center sa Washington Drive, Legaspi City, Albay. Santi Celario

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply