80 oFws sa Kuwait balik-Pinas ngayon

Nakatakdang dumating ang may 80 OFWs na nagkaroon ng problema sa bansang Kuwait kasama ang 10 bata  ngayong pasado alas dos ng hapon.

Batay sa radio report ng dzBB,  sinabi ni OWWA Administrator Carmelita Dimzon na matagal nang nanunuluyan sa inuupuhang bahay sa Kuwait ang mga naturang OFWs.

Dagdag pa ni Dimzon, nakatakdang pansamantalang manirahan muna ang mga darating na OFWs sa kanilang safe house sa Pasay City.

Marami pa umanong maaasahang uuwing mga Pilipino sa bansa na may mga problemang kinakaharap sa abroad partikular na sa kanilang mga employer. Marj Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply