81-mm mortar shell at cellphone, gamit sa pagpapasabog sa bus sa Makati

ISANG 81-mm mortar shell at cellphone ang ginamit upang sumabog ang isang bus sa Makati na ikinasawi ng lima, at ikinasugat ng  13 katao.

Sa isang interview kay Metro Manila police Director Nicanor Bartolome, batay sa kanilang inisyal na imbestigasyon, lumalabas na ang mga naturang devices ang ginamit ng nasa likod ng trahedya.

“Kaninang madaling-araw, nabuo na ang mga fragment. Na-reconstruct natin at lumalabas na 81-mm mortar shell and ginamit at cell phone ang ginawang triggering device,” ayon kay Bartolome.

Samantala, hindi muna nagbigay ng ulat si Bartolome kung anong grupo ang may sala sa naturang trahedya.

“We are digging deeper into who the culprit is. An 81-mm mortar can be found in the military’s arsenal but such an explosive has already been used in past bombing attacks in Mindanao,” ayon naman sa interview ni Bartolome sa dwIZ.

Ayon naman kay Interior Secretary Jesse Robredo, kapareho ang pagpapasabog na ginagamit ng mga grupo sa Central Mindanao.

Ayon sa panayam kay Robredo sa dzBB, may pagkakapareho ang ginamit na IED sa Rizal Day Bombing noong Dec. 30, 2000; at  Valentine’s Day bombing sa isang bus sa Makati City noong  2005.

“Ang gamit nito base sa karanasan nagamit ito sa Central Mindanao,” ayon pa kay Robredo.  Marj Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply