9 construction worker patay sa Eton Tower sa Makati

MATAPOS ang naganap na pagpapasabog sa Newman Goldliner bus Makati, 10 construction worker naman ang kompirmadong namatay nang mapatid ang sinasakyang electric gondola kaninang 10:45 ng umaga.

Ayon sa pahayag ni Makati fire marshall  Samuel Tadeo, kasalukuyang nagtatrabaho ang mga biktima sa ika-34 palapag na ginagawang gusali ng Eto Residences bldg., na nasa Gallardo St.,/Paseo de Roxas nang humulagpos ang flat form na sinakyang ng mga biktima.

Mula sa ika-32th floor, bumagsak ang mga biktima sa ika-7 palapag, ikinamatay ng construction workers.

Nilinaw naman ni Binay na buhay at nasa kritikal na kondisyon ang isang construction worker na naunang napaulat na kasama sa mga nasawi.

Sinabi ni Makati City Mayor Jun-Jun Binay na batay sa kanilang nakuhang impormasyon, nagkakabit ng salamin ang mga biktima sa ika-32 palapag ng Eton Towers nang bumigay ang kanilang tinutuntungang scaffolding at bumagsak sa ika-pitong palapag.

Bukod sa mga namatay na manggagawa, tinatayang pitong construction worker ang  iniulat na malubhang nasugatan.

Ang mga nasugatan ay isinugod ng Makati Rescue Team sa Ospital ng Makati upang malapatan ng lunas.

Sa kasalukuyan nagsasagawa pa ng malilim na imbestigasyon ang awtoridad upang malaman kung ano ang dahilan ng trahedya. Johnny F. Arasga

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply