Abogado absuwelto sa libelo na isinampa sa 4 na siyudad

DINISMIS ang kasong libelo ng isang abogado na isinampa sa apat na siyudad matapos lumabas na “forum shopping ” lang ang paghahain ng kaso, ayon sa isang piskal .

Kinasuhan si Francisco Chavez ng  libelo ng mga partners ng Villlaraza, Cruz,Marcelo at Anganco(CVC) Law Office  kung saan dalawang kaso ng libelo ang isinampa sa Marikina, isa sa Pasig at isa pang kaso sa San Juan City.

Kinasuhan ang naturang abogado makaraang magbigay umano ng pahayag ito sa mga mamamahayag na ang CVC law firm ay kilalang malawak ang impluwensya , sangkot sa mga iligal na transaksyon at palakasan . Napag-alamang dalawa pang kaso umano ang isinampa laban kay Chavez ng dalawa pang kasama ng CVC na si Raoul Angangco sa lungsod ng Quezon.

Ayon kay Chavez, sapat na sana ang isang kaso na isinampa sa kanya ng CVC. Ngunit ang pagsampa ng iisang kaso sa iba’t ibang siyudad ay isang uri ng paghihiganti, na may layuning  mang-inis at magdulot ng perhuwisyo sa kanya.

Naghain naman ng Motion for Reconsideration ang CVC laban sa pagdismis sa kanilang kaso dahil karapatan umano ng bawat kasama sa law firm na naapektuhan sa mga pahayg ni Chavez ang magsampa ng kaso kung saan sila nakatira. Ben Reyes

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply