Abogado nagpaliwanag sa panig ng kanyang kliyente

NGAYON ay bigyan natin ng daan ang isang liham na ipinadala sa atin ng isang abogado na kumukondena sa isang police major kaugnay sa maling paratang ng huli sa kliyente ng una.

Sa liham na ipinadala ni Atty. Reynaldo Reyna ay kanyang pinasubalian ang bintang ni Maj. Ranzer Evasco sa kanyang kliyenteng si Olivia Maano ng Lucena City, Quezon.

Ayon kay Reyna, hindi totoong pekeng ahente ng  mga biktima ng Marcos Regime o Recruitment Agency ang kliyente nitong si Maano.

Basahin natin ang mga nilalaman ng liham ni Atty. Reyaldo Reyna.

Ang  Voice for Global Solutions on Poverty Association Incorporated (VOGSPAI) ay isang non-stock at non-profit organization at lehitimong nakarehistro sa Security Exchange Commission (SEC) na may Sec. Reg. #CN20-1019233. Ang VOGSPAI ay hindi totoong pekeng ahente ng mga biktima ng Marcos Regime o Recruitment Agency na sinasabi ni P/Maj. Ranzer Evasco.

Mali ang paratang o pagsasampa ng kaso ni Maj. Evasco laban sa isang kasamahan ng VOGSPAI na si Olivia Maano ng Lucena City, Quezon. Si Maano ay hindi totoong nangangalap ng mga biktima ng Marcos Regime subalit ang mga nagrereklamo ay para sa membership fee ng VOGSPAI.

Ang tarantado at sadistang pulis na si Evasco ay aming irereklamo sa tanggapan ng Internal Affairs Service (IAS) ng PNP at saka sa NAPOLCOM dahil sa maling paratang at paninira sa aming asosasyon.

GRABE ANG PROSTI  SA QUEEN CASTLE

Grabe ang bold show at prostitution sa loob ng Queen Castle Disco sa Quezon Ave., Q.C. Hindi matinag-tinag ng kapulisan ang nasabing club dahil sa malakas daw ito kay Papa Mayor.Si Papa Mayor ang ipi-nagmamalaki ng bahay-aliwan na ito.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply