Absentee voting sa mga reporters – muling binuhay

MULING binuhay sa Kamara ang panukalang makaboto ang mga mamamahayag ng mas maaga sa itinakdang halalan.

Pormal na inihain ni Marikina Rep. Marcelino Teodoro ang House Bill 1510 na nagsusulong na ang bawat media outfits ay minamanduhan na magsumite ng mga pangalan ng kuwalipikadong mamamahayag sa Commission on Elections (Comelec) 30 araw bago ang eleksyon.

Batay sa panukala ni Teodoro, ang miyembro ng media ay papayagang bomoto sa loob ng pitong araw bago ang eleksyon sa tanggapan ng Municipal o City election registrar kung saan sila naka-rehistro.

“A big number of mediamen are not exercising their freedom of suffrage because many of them are busy with their assigned jobs during
elections,” ayon kay Teodoro.

“This bill provides for early voting to qualified members of the media
particularly those who will be deployed to cover the conduct of elections in different parts of the country on Election Day,” banggit pa ng mambabatas.

Ang mga kongresistang sina Teodoro Casiño at
Neri Colmenares ng Bayan Muna, Gabriela Reps. Luzviminda Ilagan at Emerciana De Jesus at Reps. Rafael Mariano (Party-list, Anakpawis), Raymond
Palatino (Party-list, Kabataan) at Antonio Tinio (Party-list, ACT Teachers)ay naunang naghain din ng katulad na panukala.

“During critical times of elections, media practitioners serve both as watchdogs and help desks, revealing images of election fraud and
bribery, facilitating reports of violence and inefficiency,” sinabi ni Casino, otor ng House Bill 1960.

“However, it is their own public service that hinders them from exercising their right to vote. Often, these media practitioners are
stationed in different parts of the country to closely monitor election events,” binigyang diin pa ni Casino.

Ang panukalang ito ay naipasa hanggang sa ikatlong pagbasa noong 14th Congress subalit hindi ito naging matagumpay na maging isang ganap na batas kaya umaaasa ang mga mambabatas na maisasabatas na ito ngayong 15th Congress. Meliza Maluntag

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply