Abu Sayyaf vs militar; sundalo patay

PATAY ang isang sundalo makaraang magka-engkuwentro ang government security forces at hinihinalang mga miyembro ng al-Qaeda- na iniuugnay  sa Abu Sayyaf  sa Albarka,  Basilan.

Ayon kay Armed Forces’ Western Mindanao Command (Wesmincom) spokesman Lt. Col. Randolph Cabangbag, isang hindi pa pinapangalanang  sundalo na may ranggong private first class, ang nasawi makaraang makaengkuwentro nila ang hindi pa malamang bilang ng Abu Sayyaf bandang 11:25 a.m.ng Miyerkules.

Nabatid kay Cabangbang na dinala ng government helicopter ang naturang sundalo upang dalhin sa Camp Navarro General Hospital sa Zamboanga City, ngunit hindi na ito umabot pang buhay.

“Sinundo kasi ng helicopter ito, siguro while en route, namatay. Malayo kasi itong area na ito,” ayon pa kay Cabangbang.

Hindi naman matukoy ni Cabangbang kung may namatay sa parte ng Abu Sayyaf. Marj Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply