Acosta iiwan ang puwesto sa PAO

UMAPELA si Atty. Percida Acosta, chief ng Public Attorneys Office (PAO), sa kaniyang mga kritiko na maghintay na lamang ng ilang panahon dahil sa malaon at madali ay iiwanan niya ang kaniyang kasalukuyang pwesto.

Sa panayam, sinabi ni Acosta na hindi siya kapit-tuko sa pwesto bilang hepe ng PAO ngunit hindi naman aniya marapat na basta na lamang siya at mga kasamahan na palayasin sa tanggapan sa pagsasabing hindi naman sila eligible.

“Pwede silang maghintay kasi anytime pwede naman akong lumipat o mag-private life pero they should wait for the proper time but not on flimsy grounds by saying that I am not eligible. Swerte na siguro kung abutin pa ako ng 3 to 6 years dito. Pagod na rin ako pero not on flimsy grounds,” pahayag ni Acosta.

Si Acosta ay personal na nagtungo sa Kamara upang sangguniin ang pangunahing may-akda ng PAO Law na si Bayan Muna Rep. Teddy Casino na naisabatas ng 14th Congress.

Naniniwala si Acosta na ang PAO ay hindi dapat na magpapalit-palit kahit magpalit pa ng administrasyon.
“We have to assert the teeth of the law, the intention  of the lawmakers especially our principal sponsor the Bayan Muna Rep. Teddy Casino. They advocated that PAO strengthen so that the masses can cause for justice, can also be strengthen. The intention is to access justice. Ito iyong batas natin- kasi kung papalit-palit ng political shape, tapos palit-palit din ang mga PAO lawyers, maiiwan iyong kaso at mapapabayaan,” paliwanag pa ni Acosta. Meliza Maluntag

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply