Atty. Persida Rueda-Acosta mananatili sa PAO

NANINDIGAN ang Civil Service Commission (CSC) na hindi kailangang kumuha ni Public Attorney’s Office chief Atty. Persida Rueda-Acosta ng CESO para maging kwalipikado sa kanyang posisyon.

Ayon kina CSC Chairman Francisco Duque III at Commissioners Cesar Buenaflor at Mary Ann Fernandez-Mendoza, sapat nang batayan upang hindi mapatalsik sa puwesto si Acosta at mga kasamahan nito sa PAO dahil pumasa sila sa bar exam.

Kahit umano ang mga Regional Public Attorneys at State Prosecutors ay hindi na kailangan ang CESO basta nakapasa na sa bar exam upang manatili sa posisyon.

Aniya, sa opinyon ng CSC, para magkaroon ng permanent appointment ang mga Chief Public Attorney, Deputy Chief Public Attorney at Regional Public Attorney, hindi na kailangan ang third level eligibility o CESO dahil batay sa Republic Act No. 1080 (Bar) civil service eligibility, exempted sila sa nasabing examination.

Matatandaang umalma si Acosta matapos sabihin ni Department of Justice Leila Delima na hindi siya kwalipikado sa kanyang posisyon.

Gayunman, sinabi ni Acosta na hindi siya nagtatanim ng sama ng loob kay Delima.

Maaari umanong nagkaroon lamang ng hindi pagkakaunawaan sa kanilang dalawa. Nenet Villafania

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply