‘Acts of God, Nature’ isasama sa insurance policy ng motor vehicle

Wala nang magiging problema ang sinumang may-ari ng sasakyan  kapag nasira sa baha, natabunan ng landslide at natunaw sa kumukulong lava dahil nakatakda nang isama sa insurance policy ng lahat ng motor vehicle ang “Act of God,” at “Act of Nature.”

Inihayag ito kanina ni Sen. Manny Villar matapos ihain sa Senado ang Senate Bill No. 2520 na naglalayong amiyendahan ang comprehensive motor vehicle insurance policy na umiiral sa bansa.

Sa ngayon, hindi binabayaran ng insurance companies ang anumang sasakyan na nalubog sa baha tulad ng nangyari noong bagyong Ondoy, natabunan ng gumuhong lupa o  kumukulong lava sa pagsabog ng bulkan kapag walang probisyon na “Acts of God,” at Acts of Nature” sa policy.

Inihain ni Villar ang panukala matapos sumakit ang ulo ng ilang may-ari ng sasakyan na nalubog at nasira ng bagyong Ondoy at Pepeng noong  2009 dahil hindi naman sila binayaran ng insurance companies.

Aamiyendahan ng panukala ang Section 385 ng Presidential Decree 1455, as amended by Presidential Decree No. 1460 na mas kilala bilang Insurance Code. Ernie Reyes

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply