Adik sa solvent, nagbigti

INIIMBESTIGAHAN ng awtoridad ang pagpapakamatay ng 19-anyos na binata sanhi ng  hindi mapigilang pagkahumaling sa solvent sa Pasay city, iniulat Miyerkules.

Inaalam pa ng awtoridad ang autopsy report upang mabatid kung tunay na nagpatiwakal ang biktimang si Jerald Navarasa na natagpuang nagbigti sa pamamagitan ng nylon cord na itinali sa kanyang leeg.

Batay sa report, kamakalawa ng gabi, waring hinintay lang ng biktima na makatulog ang kanyang inang si Rebecca, 44, bago nagpatiwakal.

Sa imbestigasyon nina SPO1 Cris Gabutin at PO3 Simon Respicio, Jr ng Pasay police, dinatnan umano ng kanyang ina ang biktima na natutulog sa sopa alas 9 ng gabi kaya hindi na niya ginising at nagpasiyang matulog na rin.

Nagising ang ginang dakong 11 ng gabi at nagulat na lamang nang makitang nakabitin na ang anak sa kisame. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply