After Lovi Poe: Dennis Trillo, out na rin bilang endorser ng Aficionado

TILA hindi lang yata si Lovi Poe ang nadismaya bilang endorser ng Aficionado Perfume na pag-aari ni Joel Cruz kaya hindi na ito nag-renew uli ng kontrata.

Magmula kasi nang umatras na ang manager ni Lovi na mag-renew muli ng kontrata as endorser ay nagsunuran ang iba pang artista. Latest na umalis na rin ay si Dennis na hindi na rin yata nagustuhan ng manager ng actor ang ginagawang style ni  Cruz sa pagpo-promote ng nasabing perfurme.

Saan ka naman daw nakakita na ultimo may-ari ng nasabing perfume ay nakikirampa sa pagpo-promote ng sarili nitong perfurme?

Nagmumukha na raw baduy ang product na pati may-ari ay lumalabas na endorser ng sariling product at nagmu-mukha tuloy ginagamit lang daw nito ang mga artistang kinukuhang endorser.

Sabi naman ng nakakausap naming reporter. baka raw ito ang maging dahilan ng pagbagsak tuluyan ng negosyo ni Joel Cruz.

Dapat raw ay mag-isip nang mabuti ang naturang may-ari nito para hangga`t maaga ay maisalba pa nito ang kanyang negosyo.

Bukas ang pahina namin para sa panig ni Mr. Joel Cruz.

*************

May bagong invention na pangontra sa peste sa buhay ang ibubulaga ng Bubble Gang ngayong Sabado.

Si Bureche ay patuloy sa pamemeste sa kapatid niyang si Che Che at sili naman ang gagamitin niya laban sa kapatid. Kaaliw din ang segment na isang nurse na nagpagbintangang pumatay sa isang pasyente na mainitin ang ulo.

At para naman sa mga in denial, kaabang-abang isang sketch tungkol sa isang lalaking naninindigang hindi siya bading?

Isama pa Moymoy Palaboy na magme-mega emote na naman sa kanta nilang “All Out of Love” para sa mga sawi sa pag-ibig at durug-durog na puso. Abangan pagkatapos ng Baker King.

*************

Hindi itinanggi ni Heart Evangelista pumunta siya sa opisina ni Boss Vic del Rosario. Pero pinabulaanan niya ang balitang magpapa-manage siya sa Viva Artists Agency.

“It has something to do with recording kaya nandoon kami sa office ng Viva.  II want kasi to do an album and we are having meeting with Viva,” aniya.

“Wala akong pinirmahan na managerial contract with Viva. It was just a meeting. I still have an existing contract sa Royale Era. Kailangan hintayin naming mag-expire yung contract before we make other plan,” say pa ni Heart.

Samantalang masaya si Heart dahil sa mataas na rating ng bagong niyang telefantasyang Dwarfina sa GMA 7.

Marami ang pumuri sa magagandang special effects ng show at bilib si Heart sa puspusang pagta-trabaho ng kanilang staff and crew para mas mapaganda ang kalalabasan ng show.

Ipinagmamalaki ni Heart ang set nilang itinayo sa Bulacan. Aniya: “You will be amazed kasi ang ganda ng mga sets and props namin. Ako mismo overwhelmed sa production namin. They really went all out for this series.”

Leading man ni Heart sa Dwarfina si Dennis Trillo na balitang umatras na rin endorser ng Aficionado ni Joel Cruz.

***************

Ayon sa source tinanggihan raw nina Oyo Boy at Kristine Hermosa ang P5 milyon para sa TV coverage ng kanilang kasal na ginanap sa Villa Isabel, Tanauan Batangas last January 12 ng dalawang higanteng network?

Gusto raw ng dalawa na maging solemn at private ang kasal kaya wala raw pinayagang TV coverage sa kasalan.

Katunayan ay 200 to 250 guest lang daw ang nasa listahan para maging saksi sa kanilang kasal. Di raw nila ito binuksan sa lahat ng kakilala sa showbiz at friends para maiwasan magmukhang perya ang kasal.

Sina Ms Charo Santos Concio, Mr Jhonny Manahan, Ms Malou Fagar at manager ni Oyo ang ilan sa mga wedding sponsors.

Marami ang nanghinayang sa P5 milyon royalty offer ng TV special coverage ng kanilang kasal.

Sana raw ay tinanggap na nila ang offer dahil puwede rin naman mangyari ang gusto nilang maging solemn ang kasal kahit may TV coverage.

May datung (pera) na sila at may souvenir coverage pa sila ng kanilang kasal na maipakikita nila sa kanilang magiging anak.

May magmaldita naman na kausap namin na baka raw may itinatago ang dalawa na makita kaya tinanggihan ang TV coverage.  Gerry Ocampo

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply