Agri-training sa magsasaka, paiigtingin pa ng DA

HIGIT na pag-iibayuhin at paiigtingin ng Department of Agriculture (DA) ang pagsasanay sa mga magsasaka sa buong bansa.

Ayon kay DA Secretary Proceso Alcala, ang Agricultural Training Institute (ATI) na pinaigting pa ang kanilang pagtuturo sa mga magsasaka upang mas maging proactive,responsive at dynamic ang Agriculture and Fisheries Extention sa bansa ngayong taong 2011 at sa susunod pang mga taon.

Sinimulan na ng  ATI ang naturang hakbang sa pamamagitan ng mga reporma at parading shift na higit na mas makatutulong para sa pagkamit ng mga adhikain at layunin ng ahensiya para sa kapakanan ng mamamayan.

Kabilang sa mga programa at serbisyo ng ATI ay ang paglulunsad ng framework principles ng Agri-Pinoy tulad ng food security at self sufficiency, sustainable agriculture at fisheries, natural resource management at local development. Robert C. Ticzon

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply