Ai Ai delas Alas, naghamong sabay panoorin ang ‘ Rosario’ at ‘ Ang Tanging Ina N’yong Lahat’

WA NA sa pagka-defend ni Ai-Ai delas Alas ang pagkapanalo niya bilang best actress sa nakaraang MMFF awards kasi naniniwala naman kaming deserving siyang manalo.

Pero sa The Buzz last Sunday ay hindi napigilan ni Ai na ilabas ang kanyang hinagpis sa mga nagkukuwestyon ng kanyang pagkapanalo. May ilang sektor kasi ang pilit pa ring sinasabi na mas deserving si Jennylyn Mercado na manalo as best actress sa pelikulang Rosario kahit hindi ito na-nominate.

Hinamon pa ni Ai ang mga tao na panoorin pareho ang Tanging Ina Mo, Last Na To at Rosario at tingnan kung sino sa kanila ni Jennylyn ang mas deserving manalo. Katwiran ni Ai, hindi kasi sanay ang mga Pinoy na manalo ang mga komedyante na tulad niya. Mas sanay ang mga ito na ang mga pang-drama ang nananalo.

Lumabas din ang isyu na baka binili lang niya ang kanyang best actress award na personally ay hindi kami naniniwala. “Kahit may pambili ako ng award, bakit ko naman gagawin yun e alam kong masama yun. At saka sarili ko lang mismo ang lolokohin ko kung gagawin ko yun. Alam ko namang ginawa ko ang best ko sa movie,”pahayag ni Ai-Ai.

KC CONCEPCION, PIOLO PASCUAL MAGKASAMA NOONG PASKO

Sa The Buzz rin last Sunday ay inamin ni KC Concepcion na nag-spend sila ni Piolo Pascual ng Christmas nang magkasama further cementing all speculations na sila na nga ngayon.

Marami na nga ang nakakapansin na napakalaki ng impluwensya ni Piolo sa kanya. Pati na ang paglipat niya sa Star Magic mula sa dating manager niya na si Shirley Kwan ay si Piolo ang tinuturong dahilan.

Aminado naman si KC na marami siyang natutuhan kay Papa P at isa na nga rito ang keeping her lovelife a secret para hindi pagpiyestahan ng showbiz press. Pero mukhang hindi yata nakatulong ang pagbulgar niya namagkasama sila ni Piolo last Christmas dahil lalo pa silang kukulitin ngayon ng mga reporters.

At any rate, ang tagal na ang isyu tungkol kina KC at Piolo pero bakit ang dami pa ring nagtataasan nang kilay sa kanilang relasyon?

REY ‘PJ’ ABELLANA, NAG-SORRY KAY GEOFF

Isa pang couple na nag-spend ng Pasko ng magkasama ay ang real life sweethearts na sina Carla Abellana at Geoff Eigenmann. Nakuwento ni Carla na doon sila nag-noche buena ni Geoff sa bahay ng kanyang amang si Rey PJ Abellana.

Nag-sorry nga raw ang daddy niya kay Geoff sa mga lumabas na write-up na kesyo against ito dito. Isang malaking misunderstanding lang daw ang nangyari.

Pagkatapos ng noche buena ay lumipat naman sila sa bahay ng family ni Geoff. Isang necklace ang isang cellphone ang gift sa kanya ng aktor at natatawa siya dahil para lang daw silang nag-exchange gift dahil parehong brand ng celphone din ang niregalo niya kay Geoff!

***

Naku mukhang magkakaroon ng kumpetisyon si Zyrel Manabat sa pagpasok ng bagong child wonder na si Mirai Shimada! Si Mirai ay nag-iisang anak ng isang Pinay at Hapon na naka-based sa Japan. Pero mismong si Mirai ay dito nakatira sa Pilipinas kasama ang kanyang lola at mga tita.

Seven years old si Mirai at parang maliit na dalaga na ito kung umasta kasi napaka-prim at proper siya at hindi siya nale-late sa kanyang mga appointments. Kasalukuyang naka-enroll siya sa acting and dancing workshop for kids sa ABS-CBN. Nag-aaral din siya ng voice lessons sa Center For Pop.And take note sa mura niyang edad ay bihasa na siyang magsayaw ng ballroom, cha-cha at hiphop!

Kinuwento ni Mommy Eleonor na at the age of two raw ay mahilig na talagang magsayaw ni Mirai. At siya ang tipo ng bata na gusto ng laging may ginagawa. Nabo-bored daw ito kung nasa bahay lang ito.

Ipinaglihi raw niya si Mirai kay Karylle Tatlonghari kaya suportad  niya ang kagustuhan ni Mirai na mag-artista! Grade 1 student ito sa kasalukuyan sa Sienna College, QC. Tonee Coraza

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply