Air21 uhaw sa coach

PITONG araw matapos magpalit ng taon ay wala pa ring coach ang Air21.

Nakipagpulong na umano ang Express management kasama sina board governor Johann Ramos at team manager Allan Gregorio kay multi-titled coach Yeng Guiao nitong Huwebes.

Nagsimula umano ang meeting ng hapon at alas-9 na ng gabi nang ito ay matapos ngunit wala umanong kinahinatnan ang nasabing pagpupulong subalit si Gregorio ay naniniwalang may mapagkakasunduan na sila sa Lunes sa susunod na linggo.

“It was a very positive meeting. I’ve learned a lot of things in dealing with a coach in Vice Governor Guiao,” wika ni Gregorio.

Matatandaan na napaso na ang kontrata ni Guiao sa Express noong December 31, 2010 ngunit habang isinusulat ito ay wala pa ring napagdesisyunan ang pamunuan ng koponan.

Una nang ipinanukala ni Gregorio kay Ramos na bigyan si Guiao ng contract extension kahit hanggang sa matapos ang season.

Sinabi na rin kamakailan ni Guiao na mas madaling maayos ang usapan sa Air21 lalo na kung walang masyadong gagalawin sa mga player personnel.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply