Alice Dixson, balik showbiz

KAPAG nagka-comeback ang isang artistang galing sa ibang bansa, karaniwan na yung sinasabing hiwalay na ito sa asawa. Kunsabagay, maraming beses na itong napatunayan  pero sabi ni Alice Dixson, sila pa rin daw ng dyowa niyang computer artist.  Nagkasundo raw silang isang grandeng bakasyon lang itong pagbabalik niya at may blessing nga siya nito.

“Sayang naman kasi, narito na ako, so I might just make the most of my stay here,” sabi pa ni Alice in some interviews.

Actually, kahit noon, she stayed for three years dito sa atin. Dahil wala pa naman silang anak ng asawa, ayan nga at malaya silang magbabakasyon nang matagalan. “Pero hindi kami hiwalay, kami pa rin talaga and I pray that kanimg dalawa  for the rest of our lives.”

Pumirma na  nga non-exclusive contract sa TV5 si Alice Dixson para sa Babaing Hampaslupa. One season ang itatakbo ng first teleserye ng istasyon, pero willing bumalik dito ang come-backing actress ’pag nagkaroon ito ng Book 2.

Naikuwento nitong dapat guest lang siya sa Inday Wanda ni Eugene Domingo, kaya nagulat at natuwa nang malamang kasama siya sa cast ng teleserye.

“Hindi ako umoo agad once I got the info, when I realized big project ito at first soap at nang ikuwento ang storyline, napa-oo ako, that time ’di ko pa alam na kasama si Ms. Susan Roces. Ang neighbor ko pa ang nagsabing makakasama ko siya, of course I’m happy because I’ve worked with FPJ before.”

Plus factor din kay Alice na sina Eric Quizon at Joyce Bernal ang directors ng teleserye. Gamay na niya pareho ang dalawa’t nakasama na niya dati, kaya kahit mahirap ang first few scenes na kinunan sa kanya, hindi siya masyadong ahirapan.

Anak ni Susan at ina ni Alex Gonzaga ang role ni Alice sa Babaing Hampaslupa at asawa niya si Jay Manalo. Excited ito sa material na ang alam niya’y hindi pa nagagawa sa TV at tiyak siyang panonoorin kahit hindi Chinese viewers.

Sa February 7 na ang premiere ng teleserye at may big launching prior to the pilot. Monday to Friday, after Willing Willie ang time slot nito at sa mga susunod na araw, magpo-promote si Alice at ang ibang cast sa shows ng TV.

Toni Gonzaga pinahanga ni Lyka Soledad

Maganda ang impression na naiiwan sa mga reporter kapag nakaharap na nila si Lyka Soledad. Sa una, sini-sino nila’ng bagong alaga ni Lito de Guzman, pero oras na na-interview na nga nila ito, aba, nakangiti silang umuuwi.

Bakit?

Very amiable kasi itong si Lyka. In other words, very likeable ang personality. Hindi siya tonong mayabang kahit alam mo naming marami pala siyang ipagyayabang.

Peks man, bukod sa magandang boses nito na siya niyang unang puhunan kung bakit siya kinuha ni Mother Lito, andun pa rin ‘yung natural charisma niya sa tao. “Mabait siya, taong-tao kung humarap sa movie press,” sabi ng isang naka-interview sa kanya kailan lang.

Isa pang hahangaan mo kay Lyka ay yung edukada pala siya. Siya at ang mga kapatid niya ay pawang mga tapos ng pag-aaral dahil pinangarap nga ito ng mga magulang nila sa kanila.

And take note, HRM graduate si Lyka sa Las Salle Dasmarinas in Cavite at kahit sabihin pang sa probinsiya lang, La Salle pa rin ito at sobrang mahal ng tuition.

Yes, Lyka Soledad comes from a well-educated family mula sa Imus, Cavite.

Did you know that his dad is the executive chef of a very popular food chain? May kaya talaga, hindi po ba?

By the way, out na po sa market yung self-titled album ni Lyka at ang carrier single nito ay Sanay Ka Na Ba?

Yes, ito ang song na kinanta niya sa isang affair ng Philippine Movie Press Club. Kasabay niya sa naturang affair si Toni Gonzaga na talaga naming humanga kay Lyka habang kinakanta nga’ng carrier single ng kanyang album

Heavy ang baguhang ito, hindi po ba? (Ewan!—Ed). Cesar Pambid

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply