Aljur Abrenica, humingi ng basbas kay Cesar Montano para sa ‘Machete’

POSITIBO ang ugali ni Aljur Abrenica sa kanyang pagbibida sa teleseryeng “Machete” ng GMA-7, dahil ngayong nasa Siyete na rin si Cesar Montano na unang nagbida sa nasabing proyekto, ay lumapit pa siya sa husband ni Sunshine Cruz para magbigay-galang at humingi ng basbas kung karapat-dapat ba siyang maging bida ng nasabing serye.

Positibo rin naman ang sagot ni Cesar, dahil kumbinsido siya na sa mga panahong ito, ay si Aljur nga ang bagay maging Machete.

Hindi lang ‘yon ang ginawa ni Aljur.  Kahit nalulunod na siya sa mga papuring seksi ang kanyang body, ay hindi siya naging kampante sa mga ganu’ng papuri.  Talagang mas pinaganda pa niya ang kanyang katawan sa pamamagitan ng todo-todong pagdyi-gym para bumagay talaga ang kanyang pangangatawan sa papel ni Machete.

Bumongga noon ang career ni Cesar nang pagbidahan niya ang Machete sa Seiko Films, kaya inaasahan din na mas lalo pang bobongga ang movie career ni Abrenica ngayong siya na ang bagong bida.

Tinututukan talaga ni Aljur ang bago niyang teleserye sa Siyete.  Kasi nga, marami ang nagpaparating sa kanya, na matinding project ang Machete, dahil sikat at sinubaybayan dati ng mga tao mula sa nagsimulang nobela sa Komiks hanggang sa dalawang ulit nang isapelikula.

Ang dapat na lang ding pagsikapan ni Aljur ay ang galingan pa ang kanyang acting, dahil baka ikumpara ang acting niya sa galing ng acting ng mga naunang Machete na sina Cesar at Gardo Versoza.

–oO(O)Oo–

Dahil sa haba ng bakasyon at kasayahan nitong panahon ng kapaskuhan at selebrasyon ng bagong taon, ay nasa house lang ako at nanonood ng mga pelikula sa DVD.  Dahil panahon din ng bagong Machete ni Aljur Abrenica, ay nakatuwaan kong panoorin ang tape ng “Machete” mula sa Komiks Presents ng ABS-CBN noon, na pinagbidahan naman noon ni Joseph Bitangcol, na ang career sa ngayon ay muli na namang binabuhay.

Kung ikukumpara pala sa mga nagbidang Machete na sina Cesar Montano at Gardo Versoza, ay medyo hindi pala bumagay kay Joseph ang maging Machete, dahil medyo manipis ang kanyang katawan, at medyo kulang din siya sa height.               Halata din sa Machete ni Joseph, na ipinagawa lang iyon sa kanya bilang pagsakay sa kasikatan nila noon ng kanyang ex-girlfriend na si Sandara Park.

Ang nakakadismaya lang sa Machete ni Joseph, ay ‘yung nalamon ni Paolo Paraiso si Bitangcol sa isang magandang eksena.  Manipis na nga ang katawan ni Joseph para maging Machete, ay pinaghubad pa si Paolo, na bukod sa matangkad ay napakaganda ng katawan, kaya habang nakahubad siya ay iisipin mo tuloy, na si Paolo ang mas bagay maging Machete at hindi si Joseph.

Hay, kaya pala hindi pinag-usapan ang Machete ni Joseph, huh! Melchor Bautista

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply