Aljur Abrenica, naungusan sa popularity si Mark Herras

HINDI maiwasan na ikumpara ang career ni Mark Herras kay Aljur Abrenica. Marami ang nagsasabi na nalampasan na raw ni Aljur ang popularity ni Mark. Title role pa siya ngayon sa ‘Machete.’

Pero walang inggit sa katawan si Mark lalo’t magkakaroon din siya ng dance serye na pagbibidahan.

“Okay lang ‘yun, okay lang.  Hindi ko siya tinitingnan na parang competition.  Actually, hindi maiiwasan ‘yun dahil ‘di ba, kami ngayon ‘yung parang halos magkasing-edad. Hindi maiiwasan na ma-compare kami,” deklara  ni Mark sa isang interbyu.

Pana-panahon lang talaga ‘yan. Kahit naman sa Kapamilya network, ikukumpara rin ang popularity nina John Lloyd Cruz at Piolo Pascual. May mga nagsasabi rin na pinalitan na raw ni Lloydie ang estado ng career ni  Piolo. Ang importante  ay kung  paano nila ma-maintain ang kasikatan nila at magtagal sa industriya, di ba? (Korek!—Ed)

-0o0-

Kung uso sa Kimerald ang pagpapadala ng hate emails pag pina-partner sa iba kina Kim at Gerald, uso na rin ito sa mga bagets ng Kapuso network.

Nauna  ang team-up nina Elmo Magalona at Julie Anne San Jose. May chemistry ang dalawa kaya naman kaagad din silang nagkaroon ng fans at tinawag ang loveteam nila bilang Julielmo.

Ngayon ay may bagong kapartner si Elmo sa katauhan ni Wyn-Wyn Marquez.

Mukhang etsapuwera na raw si Julie Anne dahil may namumuong magandang pagtitinginan sina Elmo at Wyn-Wyn. Pero dine-deny ni Elmo na may relasyon sila.

Nakikusap din siya sa  Julielmo fans na nagagalit at  huwag namang awayin si Wyn-Wyn sa emails, Twitter at Facebook.

May email si joyce_chingu@yahoo.com tungkol dito.”Advise ko lang po kay  Wyn-Wyn, ‘wag na lang po syang magsalita because pwedeng lumaki po lalo ‘yung issue at magalit lang ang karamihan…..ng Julielmo fans…..Basta po masaya po ang Julielmo fans na nakikilala na si Elmo at si Julie Anne na di natin maitatangging maraming talento sa katawan….and then si Elmo ay nakilala di dahil sa tatay n’ya kundi dahil sa talent nya, looks and love team nila ni Julie…. Sana lang po ‘wag sayangin ng GMA7 ang Julielmo because marami talaga ang may gusto sa tambalang yun….Tampok po sila sa Maynila sa Sabado kaya masya kami ….so watch out kung anung kilig ang sasabog…..”

BAGONG ‘PAPAYA QUEEN’

“Ano po’yun Papaya?,” reaksyon ng baguhang recording artist na si Lyka Soledad nang sabihan siyang  bagong ‘Papaya Queen’ dahil sa napanood na MTV ng kanyang  debut album.

Hindi lang kasi siya hawig kay Aya Medel kundi maipagmamalaki rin ni Lyka ang kanyang hinaharap. Marami ang nagsasabi na hawig din siya kina LJ Moreno, Klaudia Koronel at Rochelle Pangilinan.

Laging  positive  ang impression na naiiwan sa mga reporter kapag nakakausap nila si Lyka Soledad na alaga ng controversial manager na si Lito De Guzman.

Hindi siya kasi  tonong mayabang kahit alam mo naming marami pala siyang ipagyayabang.

Bukod sa magandang boses niya na siya niyang unang puhanan kung bakit siya kinuha ni Mother Lito, andun pa rin yung natural charisma niya sa tao. Isa pang hahangaan mo kay Lyka ay yung edukada pala siya. Siya’ t ang mga kapatid niya ay pawang mga tapos ng pag-aaral dahil pinangarap nga ito ng mga magulang nila sa kanila.

And taker note, HRM graduate si Lyka sa Las Salle Dasmarinas in Cavite at kahit sabihin pang sa probinsiya lang, La Salle pa rin ito at sobrang mahal ng tuition.

Yes, Lyka Soledad comes for a well-educated family mula sa Imus, Cavite.

Did you know that his dad is the executive chef of a very popular food chain?

By the way, out na po sa market yung self-titled album ni Lyka at ang carrier single nito ay ‘Sanay Ka Na Ba?’ Roldan Castro

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply