Ambulansya at medical personnel ipakakalat sa pista ng Nazareno

IPAPAKALAT ng Department of Health (DoH) ang mga ambulansya at medical personnel sa kapistahan ng itim na Nazareno partikular na sa mga dadaanan ng prosisyon.

Ayon sa report ng dzBB, sa kalatas ng DoH, ipupuwesto ang mga medical personnel sa mga kritikal na lugar lalo na sa dadaanan ng mga deboto.

Nannawagan din ang DoH na bigyang  lugar ang dadaanan ng mga ambulansya upang kaagad na makaresponde sa mga insidenteng magaganap.

Hinikayat din ang mga deboto na huwag nang magsama ng bata sa prosisyon upang maiwasan na masaktan ang mga ito. Marj Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply