Anak ni Atty. Lozano natagpuang patay

NATAGPUAN na ang nawawalang anak ni Atty. Oliver Lozano na si Emerson Lozano.

Matatandaang huling nakita si Emerson Lozano, 44  at isang construction manager, kasama ang kanyang driver na si Ernani Sensil noong nakaraang Miyerkules sa isang gasolinahan sa Old Balara, Quezon City.

Nakilala ang bangkay ng batang Lozano matapos magtugma ang dental records nito sa sunog na bangkay na natagpuan sa Porac, Pampanga batay na rin sa isinagawang pagsusuri ng PNP crime laboratory.

Nadiskubre ang bangkay ng biktima ng mga batang magbabakal sa madamong bahagi ng isang barangay sa Porac malapit sa isang quarry site.

Dahil sa sunog na sunog na ang bangkay, ang dental records na lamang ni Emerson ang sinuri ng forensic experts upang matukoy ang pagkakakilanlan ng biktima.

Una rito, nanawagan si Atty. Oliver Lozano sa sinumang may nalalaman sa kinaroroonan ng kanyang anak na nawawala simula pa noong nakaraang Miyerkules, Enero 12, 2011.

Kasabay nito, kinumpirma ni Lozano ang pagkakatagpo sa bangkay ng driver ng anak sa La Paz, Tarlac na may tama ng bala ng baril sa ulo.

Wala umanong alam ang nakakatandang Lozano na may kaaway o maaaaring dumukot sa kanyang anak na si Emerson dahil ito’y palakaibigan.

Blangko rin sila kung sino ang huling nakausap at kung ano ang pinag-usapan ng anak at taong kinatagpo nito dahil magkalayo sila ng bahay.

Nilinaw din nitong hindi negosyante kungdi manager sa isang construction company ang kaniyang anak.

Si Atty. Lozano ay naging kilala sa maaga at madalas nitong paghahain ng impeachment complaint noon laban sa dating Pangulong Gloria Arroyo.

Si Lozano rin ang tumayong abogado ng dating Pangulong Ferdinand Marcos.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply