Annie Albania, sibak sa RP team

DAHIL sa hindi mahagilap diumano ng Amateur Boxing Association of the Philippines (ABAP) si RP Team Pinay boxer Annie Albania, nagdesisyon itong sibakin na ang boksingerang humakot ng medalya sa iba’t ibang international competitions.

Itinuturing na isa ang 28-anyos na si Albania sa pinakamahusay na babaeng boksingera sa bansa na miyembro ng national team kung saan sumungkit ito ng silver medal sa katatapos na Asian Games sa Guangzhou, China.

Ayon kay Ed Picson, executive director ng ABAP, hindi kawalan sa national team si Albania at tama lang ang kanilang desisyon upang hindi na ito pamarisan ng iba pang manlalaro.

Pantay pantay umano ang trato nila sa mga miyembro ng national team at walang espesyal na treatment ang ibinibigay nila kahit kanino o kahit pa sumungkit ito ng  maraming medalya sa iba’t ibang international competitions para magdala ng karangalan sa bansa.

Ani Picson, basta nagkamali at hindi sumunod sa alituntunin ay dapat bigyan ng parusa o tanggalin na sa listahan bilang miyembro ng national team, dapat umanong pairalin ang disiplina bilang atleta.

Isiniwalat ni Picson na tatlo ang kanilang pinagpipilian na ipalit kay Albania; si Annaliza Cruz, Alice kate Aparri at Nesty Petecio.

Si Cruz ay gold medalist sa MVP International Boxing Friendship Cup, si Aparri ay bronze medalist sa World Amateur Boxing Championship, samantalang ang 19-anyos na si Petecio ay nagpapakita ngayon ng impresibong performance.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply