Anomalya sa NFA kakalkalin ng Kongreso

HINILING na ng mataas na kapulungan ng Kongreso ang mga dokumento mula sa National Food Authority (NFA) kaugnay ng napaulat na anomalya sa kalakaran ng bigas sa bansa.

Ayon kay Sen. Kiko Pangilinan, chairman ng Senate committee on agriculture and food, na hindi sila magdadalawang isip na magsagawa ng hiwalay na imbestigasyon sakaling may makitang batayan laban sa alegasyon ng anomalya sa NFA.

Maaari umanong silipin ng Senado ang batas na bumuo sa NFA at amyendahan kung kinakailangan upang matiyak na hindi na magkakaroon ng pang-aabuso sa kagawaran.

Magugunitang sa kanyang pahayag kahapon, sinabi ni Pangulong Aquino na may isang tao o grupo na nakinabang sa sobra-sobrang importasyon ng bigas na ipinaubaya sa private sector. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply