Anomalya sa salary cap ng PBA sumingaw

DAPAT umanong magsagawa ang pamunuan ng Philippine Basketball Association (PBA) ng fact-finding sa ilang PBA teams na sinasabing lumalabag sa salary cap rule ng liga.

Ayon sa mapagkakatiwalaang source ng Remate Sports, dapat sitahin o imbestigahan ang mga prangkisa at bank accounts nang ilang mga PBA teams na sumasagasa sa mga itinatakdang alituntunin ng asosasyon.

Maliban sa uniform player contract, mayroon diumanong aregluhang nagaganap sa pagkuha ng mga atleta kung saan sinasabing nasasangkot ang ilang opisyal ng teams at PBA board members.

“Dapat patawan ng sanction ang ilang team na lumalabag sa rules ng PBA. Ang problema ay baka ‘yung ilang opisyal ay sangkot din dito,” pahayag ng source sa isang panayam.

“Walang aksiyon dito ang PBA board. Kaya naman kaduda-duda ito. Dapat gawing bukas sa lahat ang mga kontrata. Kawawa ang ilang atleta na ibinebenta sa ilang team na hindi nila alam.”

Ayon pa sa source, dapat rin aniyang busisiin ang tinatawag na sistemang ‘under the table’ sa ilang teams kung saan dinaragdagan ng team owners ang sahod ng ilang manlalaro. Ginagawa aniya ito ng mga team owner sa mga magagaling at malalaking Fil-Am cager na binibigyan ng mas malaking sahod kumpara sa mga lokal na manlalaro sa kabila ng salary cap.

“Unfair talaga ang treatment ng mga may-ari ng team dahil kinakawawa ang mga local players at imbes na pare-pareho lang ang suweldo sa mga Fil-Am ay binibigyan sila ng mas malaki ng patago para hindi mapansin ng PBA board,” galit na wika ng source. Gilbert Perdez

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply