Apat na panalo hinataw ni Raquel

APAT na sunod na panalo kabilang ang isang stakes race ang kinayog ni class A rider Fernando “Dunoy” Raquel noong Linggo sa Sta. Ana Park sa Naic, Cavite.

Unang giniya ni Raquel si Juggling Act sa naganap na 2011 Philracom Garnet I 1st Leg ng Imported/Local Challenge Race kung saan ay tinalo nila ang top favorite na si Next Big Thing na nirendahan naman ni star jockey Jonathan B. Hernandez.

Pagkatapos ng nasabing tampok na karera ay bumibo ito ng tatlo pang sunod na karera.

Binanderang  tapos ni Raquel sina Mutiara sa race 5 at Thunder Bird sa race 6 bago ipinanalo si Boni’s Gem na nilutsa si Well Well Well sa race 7.

Hindi pa nagtapos ang pananalasa ni Raquel at muling pumalo ito ng panalo sa race 11 kung saan ay naipanalo niya si Laon Laan sa isang photo finish.

“Sinuwerte lang,” wika ni Raquel. “‘Yung dalawang panalo ko sa photo finish buwenas lang sa taluk tiyempo kayog tayo.”

Nakopo ni Juggling Act ang halagang P300,000 matapos tawirin ang meta ng may apat na kabayo ang distansya sa nasegundong si Mr. Diamond.

Naiuwi ni Mr. Diamond ang P112,500 habang P62,500 at P25,000 ang napanalunan nina Fierce Fighter at Next Big Thing para sa third at fourth placer ayon sa pagkakasunod.

Nakapagtala ng tiyempong 1:40.7 sa distansyang 1,600 meter race sa event na inisponsoran ng Philippine Racing Commission. Elech Dawa

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply