Apektado ng pagbaha at landslide umabot na sa 900k, 33 patay

UMAKYAT na sa bilang na 900,000 katao ang apektado habang 33 na ang namamatay sa landslide at pagbaha bunsod ng walang tigil na malakas na pag-ulan sa Bicol, Visayas at Mindanao.

Sa 6 a.m. update, the National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), siyam pa ang naitalang nawawala.

Kabilang sa panibagong naitalang nasawi ay sina Esorio Daniel, 47, ng Bobongon village, Sto. Tomas, Davao del Norte, dahil sa pagkakalunod;  Angelo Arniba Siega, 5, ng Nueva St., Surigao City, nalunod din; at  Melvin Gonzales, 23, ng P-5 Sta. Irene, Bayugan, Agusan del Sur.

Ayon pa sa update, anim ang nawawala sa Catanduanes at tatlo naman sa Agusan del Sur na nakilalang sina Patricio Peregrino, 56, ng Sta. Cruz, Virac, Catanduanes;  Rannie and Ricky Villar; Joseph, Litoy at Jerry Soledad, ng Cagdarao village, Panganiban, Catanduanes; Bartolome at Relos Rabonque, ng Balubo village, Esperanza, Agusan del Sur; at Ronnie Jupson, 19, ng P-3 Mandagao Poblacion, Bunawan, Agusan del Sur .

Nabatid pa sa NDRRMC na 171,724  pamilya na ang naapektuhan ng naturang kalamidad o umaabot sa 883,128 katao.

Under state of calamity pa rin ang Surigao del Sur;  Bunawan, Esperanza, San Francisco at bayan ng Sibagat  sa Agusan del Sur;  Butuan City , Agusan del Norte; at Surigao City, Surigao del Norte. Marj Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply