Apektado ng pagbaha umabot na sa 600,00 katao; 29 patay

UMABOT na sa 600,000 katao habang 29 ang namatay sa landslide at pagbaha dulot ng walang tigil na pag-ulan sa Bicol, Visayas at Mindanao The National, ayon sa Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Batay sa 6 a.m. update ng NDRRM, Biyernes, 131,780 pamilya (o 684,153 katao) ang naapaketuhan sa 843 barangay sa may 21 probinsiya habang tumaas din ang bilang ng mga namatay sa naturang kalamidad na pumalo na sa 29.

Matindi ang epekto ng naturang kalamidad sa CARAGA region, Mindanao na may 76,078 pamilya ang apektado (o 399,403katao); Eastern Visayas may 30,889 pamilya  (o 163,888 katao); at   Bicol na 14,966 ang apektado (o 71,569katao).

Batay pa ssa report ng NDRRMC, nagmula ang mga namatay sa Agusan del Sur at Davao del Norte sa Mindanao na kinilala na sina Eserio Daniel ng Brgy. Popongon, Sto. Tomas, Davao del Norte; Armando Batilaran ng Brgy. Caimpugan, San Francisco, Agusan del Sur; at  Bryl Jake Mondejar  ng Brgy. Don Alejandro sa San Luis, Agusan del Sur.

Umakyat na rin sa P183.264 milyon ang nasirang ari-arian kung saan P62.471 milyon ang sa agrikultura at  P120.762 milyon naman para sa imprustraktura.

Tinatayang 135  kabahayan ang nawasak habang 199 kabahayan ang naapektuhan lamang ng naturang kalamidad.

Naglaan naman ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng  P30.38 milyon para sa pondo na gagamitin para sa  family packs,  food at non-food items.

Idineklarang under state of calamity ang  Surigao del Sur,  Butuan City, Agusan, del Norte, Bunawan, Esperanza at San Francisco sa Agusan del Sur,  Surigao del Norte,  at  Albay. Marj Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply