Apela ng ASG sa kaso sa Valentines bombing, ibinasura ng SC

Ibinasura lamang ng Korte Suprema ang apela ng Abu Sayyaf group na mapawalang sala sa kasong multiple murder at multiple frustrated murder kaugnay sa Valentines day bombing.

Sa 18-pahinang desisyon ng Supreme Court (SC) 3rd division, pinagtibay nito ang desisyon ng Court of Appeals (CA) na reclusion perpetua.

Matatandaan na una nang pinatawan ng Makati Regional Trial Court (RTC) ng parusang bitay sa pamamagitan ng lethal injection ang mga akusadong sina Khaddaffy Janjalanni, Gamal Baharan alyas Tapay , Angelo Trinidad alyas Abu Khalil , at apat na iba pa, subalit ito ay napababa sa parusang reclusion perpetua dahil sa pagbuwag sa death penalty law.

Batay sa record ng korte, naganap  ang insidente noong Feb. 14, 2005 nang pasabugin ang RRCG bus habang pumapasada sa kahabaan ng EDSA patungong Alabang dakong 6:30 at 7:30 ng gabi.

Matatandaang 15 ang sakay ng naturang bus kung saan pinasabog ito sa may Ayala Avenue, EDSA.

Sinabi ng korte na napatunayan ng prosecution at may sapat na basehan para mapatawan ng parusa sa nabanggit na kaso ang mga akusado.

Iginiit ng Korte Suprema na nagkaroon ng sabwatan ang mga akusado kaya’t ibinasura ang kahilingan ng mga ito. Teresa Tavares

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply