Appraiser ng pawnshop naloko ng ‘empleyado

ISANG appraiser ng isang sikat na pawnshop ang sising-alipin ngayon matapos itong  matangayan ng pera ng isang lalaking nagpanggap na empleyado ng kanyang pinaglilingkurang bahay-sanglaan sa Malabon City.

Agad nagsumbong ang biktimang si Maricel Marquez, 31, appraiser ng Tambunting Pawnshop at residente ng  Sangandaan, Caloocan City sa pulisya upang ibigay ang kanyang salaysay.

Ayon sa Station Investigation Division (SID) ng Malabon City Police, naganap ang insidente dakong ika-7:30, Lunes ng umaga sa counter ng pawnshop na matatagpuan sa Langaray st. sa Barangay Longos ng nasabing siyudad.

Ayon sa biktima, kabubukas pa lamang ng kanilang pawnshop nang dumating ang salarin, na nagpakilalang “Ryan” at empleyado umano ng main office ng pawnshop.

Sinabi nito sa biktima na aayusin ang signage ng bahay-sanglaan.

Ayon kay Marquez, dumating ang isa pa niyang kasamahan, na kinausap din ni Ryan. Makalipas ang ilang sandali ay umalis ang kasamahan ni Marquez.

Sa pagkakataong ito ay nanghingi ang salarin sa biktima ng P20,000 para umano pambili ng mga gamit sa paggawa ng signage.

Nang tumanggi ang biktima, nagalit ang lalaki at tinanong si Marquez kung wala itong tiwala sa kanya.

Upang maiwasan ang pakikipag-away, ibinigay ni Marquez kay Ryan ang hinihinging halaga.

Mabilis na umalis si Ryan sakay ng motorsiklo matapos mag-iwan ng resibo. Roger Panizal

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply