Aranque makikilatis sa Maiden race

MAKIKILATIS ang bagitong si Aranque sa pagsali nito sa official race bukas, Miyerkules, sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Si Aranque na pag-aari ni businessman Hermie S. Esguerra ay planong kumabig ng unang premyo sa magaganap na Three-year-old Maiden 1 race kung saan ay may nakalaang P10,000 added prize na handog ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM).

Inaasahan din ang pagiging liyamado ng nasabing kabayo dahil bukod kay star jockey Jeffrill Tagulao Zarate ang rerenda ay ito ang napipisil ng karera tipster na pang primera sa programa ng karera.

“Mahirap pa ring magsiguro dahil nga unang salang ni Aranque sa official race kaya sana huwag mag-iba iyung ipinakikita niya sa trangko,” saad ni Zarate.

Ang ibang kalahok sa distansyang 1,400 meter race ay sina Secret Of The West, New Dawn, Play The Music, Salvatore, Talaga, Colossal, at couple entring sina Mutya ng Pasig at I Survived. Elech Dawa

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply