‘Araw ng Pagbasa’ aprubado na

INAPRUBAHAN na ng House Committee on Revision of Laws na ideklara ang November 27 bilang  “Araw ng Pagbasa.”

Sa kanyang panukala, sinabi ni Pangasinan Rep. Marlyn Primicias-Aggabas na kapag naisabatas ang panukalang ito ay ituturing na “Araw ng Pagbasa,” ang bawat November 27 at regular working holiday para sa elementarya at High School.

Nakapaloob sa House Bill 1457 na pangunahing inakda ni Quezon City Rep. Jorge Banal na kapag ang November 27 ay tumapat ng Sabado o Linggo ay gagawing Biyernes ang pagdiriwang.

Pangunahing layunin ng “Araw ng Pagbasa” na mai-promote ang pagbasa at literature upang ang mga mag-aaral ay matuto mula sa naging buhay at pamumuhay ng mga Pilipino.

Sinabi pa ni Banal na ang November 27 ay itinapat sa kaarawan ni dating Senador Ninoy Aquino, isang kilalang reader at journalist.

Sa pagtalakay sa panukala ay ipinanukala ni Dr. Tina Ocampo, President ng Reading Association of the Philippines, na pagsamahin ang “reading materials on the lives of Filipino heroes such as Ninoy Aquino and other illustrious Filipinos to the program.”

Sa iallim ng panukala ay minamanduhan ang Department of Education (DepEd)na konsultahin  nito ang National Book Development Board at iba pang ahensya ng gobyerno na may kinalaman sa “language at reading.”  Meliza Maluntag

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply