Army inireklamo ng pamilya ng pinatay na botanist

NAGREKLAMO na sa Department of Justice (DOJ) ang pamilya ng napatay na botanist na si Leonardo Co laban sa 38 miyembro ng 19th Infantry Batallion ng Philippine Army.

Sa limang pahinang complaint na inihain ng asawa ni Co na si Glenda at mga magulang ng biktima na sina Lian Sing Co at Emelina, pinanindigan nito na ang militar ang responsable sa pagkamatay ng biktima  gayundin sa mga kasama nito na sina Sofronio Cortez at Julio Borromeo sa Sitio Mahiao, Barangay Lim-ao, Kananga,Leyte noong Nobyembre 15,2010.

Prinotesta ng pamilya ni Co ang DOJ Fact finding inquiry report noong nakaraang linggo kung saan nakasaad na walang pananagutan ang militar sa pagkamatay ng mga biktima.

Base rin sa testimonya ng militar, ang mga rebelde ang responsable sa pagpatay sa tatlo dahil dito kayat hiniling ng pamilya ni Co sa pamamagitan ng kanilang abogado nila na si Atty. Evalyn Ursua na muling magsagawa ng preliminary investigation ang DOJ sa naturang kaso. Teresa Tavares

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply