Artist sketch ng 2 suspek sa EDSA bus bombing, hawak na ng PNP

HAWAK na ng Southern Police District (SPD) ang artist sketch ng dalawang suspek sa nangyaring pagsabog ng Newman Goldliner bus sa Buendia, Makati kung saan limang katao na ang namatay, habang 13 ang sugatan.

Inihayag ni SPD director C/supt. Arne delos Santos na ibinase nila ang artist sketch sa salaysay ng mga biktima at sa kuha ng CCTV camera.

Inaasahang ilalabas bukas sa publiko ng pulisya ang naturang artist sketch ng mga suspek.

Una nang inihayag ng konduktor ng bus na may dalawang lalaki na sumakay sa bahagi ng Baclaran area na may dalawang itim na bag at umupo sa gitnang bahagi ng bus.

Bumaba umano ang mga ito sa Evangelista St., sa Makati. Gwenn Salamida

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply