Assumption College sa Makati binulabog ng ‘bomb threat’

NABULABOG ang Assumption College sa San Lorenzo Village, Makati City matapos makatanggap ng text messages ang ilang estudyante nito na nagsasabing may bombang itinanim sa nasabing paaralan.

Agad sinuspinde ng pamunuan ng eskwelahan ang mga klase nito sa lahat ng antas upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral.

Hindi lamang ang Assumption College ang tanging eskwelahan sa Kamaynilaan ang nakatanggap ng katulad na bomb threat, ayon kay Makati City Police chief Senior Supt. Froilan Bonifacio.

Ang iba pa ay ang Ateneo De Manila University, Miriam College at Mapua Institute of Technology.

Dakong ika-1:30 ng madaling araw nang nakatanggap ng text message ang mga mag-aaral ng Assumption College na may itinanim na bomba sa gusali ng eskwelahan.

Agad naman itong ipinagbigay-alam sa mga awtoridad, kaya’t agad nagsagawa ng paneling sa mga establisimyento ng paaralan ang Explosive and Ordinance Division ng Philippine National Police (PNP).

Sa kabutihang palad, walang bombang natagpuan ang mga operatiba ng PNP.  Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply