Assumption College sa Makati may bomb threat, klase sinuspinde

WALANG pasok sa Assumption College sa Makati dahil sa isang bomb threat. Ayon sa DZBB nakatanggap ang isang estudyante nito ng isang text message na nagsasabing diumano ay may bomba ang mini chapel ng eskwelahan, Lunes, bandang ala-una ng madaling araw,Enero 31.

Agad umanong ipinag-bigay-alam ng estudyanteng nakatanggap ng text message na nagsasabing may bombang nakatanim sa mini chapel ng paaralan  sa kanyang guro at sa mga kinauukulan.

Bandang ala-una ng madaling araw ay hinalughog ng Makati-PNP,  SWAT team ang nabanggit na eskwelahan ngunit wala pang nahahanap na bomba.

Dahil dito ay agad na  sinuspinde ang klase upang matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante, guro at iba pang manggagawa dito. Nabatid na maraming anak ng mga sikat na pulitiko ang nag-aaral sa naturang eswkelahan, isa na dito ang anak ni Makati City Mayor Junjun Binay.

Samantala, patuloy pa rin ang paghahanap sa bomba ng grupo ng Makati PNP at SWAT team sa buong paaralan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply