Attack formation ng Azkals, perfect na

HANDANG-handa na ang mga attack formation ng Azkals kontra sa Mongolia sa paghaharap nila sa Pebrero 9 sa Panaad Stadium sa Bacolod City.

Siniguradong perpekto ni Coach Hans Michael Weiss ang atake ng Azkals dahil hangad nitong makakuha ng maraming goal ang team Azkals sa laro.

Napag-alaman mula kay Rey Palmes na residente ng Bago City, Negros Occidental at left defender ng team, labis na tinututukan ni Coach Weiss ay ang mga attack position.

Nais daw nitong ma-convert sa score ang bola lalo na kung malapit na sa goal area.

“Istrikto si Coach Weiss at disiplinado sa mga players upang makapagsanay ng maayos,” ayon sa mga manlalaro.

Matindi ang ginagawang pagsasanay ng  team Azkals sa Panaad Stadium na siya mismong venue ng AFC Challenge Cup.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply