Atty. Ledesma at iyakan ang suppliers kay Honrado

TINAWAGAN natin sa cellphone si BI OIC Ronaldo Ledesma tungkol sa mga kataka-takang kaganapan d’yan sa Immigration.

Napakarami na ng naipatapon ni OIC Ledesma sa dulo ng kangkungan pero yung mga tunay na gago ay nandyan pa rin sa kanilang dating mga puwesto.

Gaya na lang nitong si Raul Medina na mukhang ipinagtatanggol pa ng DOJ samantala’y matibay naman ang ibinigay nating ebidensiya na nagpalusot talaga ito ng pasahero.

Yun bang === tinatawag na human trafficking.

Akala ko ba’y parehas ka OIC Ledesma? Kapag nagkakamali ay itinatapon mo, bakit hindi mo maitapon yang si Medina?

Nagtatanong lang po!

oOo

Iyakan ang mga supplier sa airport sa administrasyong “matuwid na daan” na pinamumunuan ni GM Bodet Honrado.

Yan ang bulong ng ating uzi, bagamat hindi hayagang sinabi nito na si Honrado ang nanghihingi, kinumpirma ng ating uzi na nakapaligid lang kay Honrado ang pumipilipit sa leeg ng mga supplier sa Ninoy Aquino International Airport.

Unahin na natin ang gagawing runway ng Manila International Airport na gagastos ng kulang P400-M.

20% daw ang hinihingi ng mga Hongago.

Yun bang === Honghang na mga gago.

At nagpadagdag pa ng 8% para raw sa middle man.

Aba’y saksakan pala ng kawalanghiyaan ang mga sugong ito ng matuwid na daan.

Bulong pa ng ating uzi na isang mataas daw na opisyal ng airport ang napagalitan  ng bayaw ni PNoy na si Eldon  Cruz at sinabing “nagsisinungaling ka pa eh tumatanggap ka na pala.”

Ito ay dahil daw sa kumita ng P5M ang asawa ng nasabing mataas na opisyal sa ginawang kisame ng NAIA terminal 1.

At, siyempre, pati ang X’mas decor ng airport ay hindi rin pinalagpas dahil pinagkakitaan din daw ng asawa ng nasabing opisyal.

Nasaan na po ang matuwid na daan Pangulong Noynoy

Batiin natin si Jimmy Go ng Shaolin Tea House na ating tagasubaybay at syempre batiin na rin natin ang ating fans d’yan sa Sacramento California USA na sina Kit and Joy Clarete. Salamat sa inyong pag-tangkilik at suporta! Mabuhay kayo!

oOo

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.  Maaari n’yo rin pong mabasa ang ULTIMATUM sa www.remate.ph
Benny Antiporda

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply