Atty. Lozano ayaw sa parusang bitay

HINDI pabor ang Marcos lawyer na si Atty. Oliver Lozano na maipatupad ang parusang bitay sa bansa dahil sa patuloy na pagtaas ng insidente ng krimen, isa sa biktima ay ang kanyang anak na si Emerson.

Sa isang panayam, binigyang diin ni Lozano na bagamat nakaaalarma na ang sunod-sunod na krimen na nagaganap sa bansa, hindi  pa rin solusyon ang paglalapat ng parusang bitay dahil hindi ito sagot para  masugpo ang krimen.

Ayon kay Lozano, kailangang lutasin ng pamahalaan ang problema sa kahirapan dahil ito ang ugat kayat ilan sa ating mga kababayan ang napipilitang magnakaw at pumatay.

Umaasa naman si Lozano na kasabay ng paglibing sa kanyang anak ay makakamit nila ang hustisya sa lalong madaling panahon. Santi Celario

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply