Auto parts dealers umalmang kasabwat ng carnapping syndicate

PUMALAG na ang grupo ng auto part dealers sa Capalagan, Pampanga kaugnay sa akusasyong may partisipasyon sila sa nagaganap na nakawan ng mga sasakyan maging sa grupo ng carnappers.

Ipinaliwanag ng Calapagan Auto Parts and Auto Surplus Association Incorporated (CAP-ASAI) Jimmy Guese, mahigpit umano nilang ipinagbabawal ang tumanggap ng mga nakaw na sasakyan kaya walang
dahilan upang makaladkad ang kanilang negosyo sa isyu ng carnapping syndicate.

Iginiit pa ni Guese na legal ang lahat ng kanilang ibinebentang sasakyan maging ang mga auto parts.

Magugunita na nabigo ang mga awtoridad na makita ang sasakyan ng napaslang na car dealer na si Venson Evangelista matapos ang sunud-sunod na pagsalakay ng mga pulis sa mga puwesto ng mga auto
parts dealer.

Nakiusap pa si Guese na ‘wag isangkot ang kanilang negosyo sa mga carnappers dahil pawang mga legal at may permiso sila sa kinauukulang ahensya. Johnny F. Arasga

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply