Ayaw mapahiya kay Cesar Montano, Aljur Abrenica kinarer ang Machete

TALAGANG kinakarir ni Aljur Abrenica ang pagiging Machete dahil kahit umuulan nang kunan ang ilanG eksena niya ay hindi ito pumayag na itigil ang taping.

Kesehodang kitang-kita ng staff and crew nanginginig na ang kanyang katawan dahil sa ginaw ay wala itong reklamo.

Katuwiran ni Aljur na kung ipa-pack up ay gagawin din nila ang nasabing eksena kaya mas minabuti na nitong ituloy kahit ginaw na ginaw na ito sa lakas ng ulan.

Kasama ni Aljur sa taping ang kanyang instructor sa pangangalaga ng katawan. Kailangan kasing ma-maintain niya ang katawan para sa role.

Ultimo pagkain ay binabantayan siya ng instructor para masiguro na ayos ang pangangatawan.

Sabi ni Aljur lahat daw ay gagawin niya para maging maganda ang kalalabasan ng Machete at para hindi siya mapahiya kay Cesar Montano na original na gumanap na Machete.

***************

Ngayon pa lang ay marami na ang nagtatanong kung si Ai Ai delas Alas na raw ba ang tatanghaling Box Office Queen sa awards night ng Guillermo Mendoza Scholarship Foundation na gaganapin sa Mayo dahil sa super lakas ng kinita ng kanyang Ang Tanging Ina Mo Last Na`To.

Ayon sa Metro Manila Film Festival 2010, ang total gross ng movie ni Ai Ai ay P157 million, from Dec. 25 hanggang sa huling araw ng festival last January 7, 2011.

Ang gross na makukuha nito sa extended showing ay hindi na counted. Kaya depende na ito kung may movie pa ang Star Cinema na mas malaki ang gross receipt kaysa sa movie ni Ms Ai Ai.

Ayon sa source, ang top grosser raw ng Star Cinema bago ang festival ay ang movie nina John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga na My Amnesia Girl.

Well, kapag mas malaki ang kinita talaga ng movie nina Loydie at Toni ay masisilat na naman ang pagiging Box Office Queen ni Ai Ai.

KYLIE PADILLA, TANGGAP NA SI MARIEL

Naalarma ang mga nagmamahal sa pamilya ng ex-wife ni Robin Padilla na si Liezel Sicangco dahil sa grabeng pagbaha sa Australia.

Nakatira kasi ngayon si Liezel sa Queensland Australia pero kaagad naman ito itinanggi ni Kylie Padilla at sinabi na okey ang kanyang ina sa Australia nang makausap namin kamakailan.

Ayon kay Kylie, hindi raw inabot ng baha ang kanilang lugar dahil nasa kabilang side ng Queensland ang tinitirhan nila at nasa mabuting kalagayan ang kaniyang ina at mga kapatid na sina Zhen Zhen at Alih.

Samantalang masaya si Kylie sa pagsasama ng kanyang ama (Robin Padilla) at Mariel Rodriquez. Ngayon lang daw niya nakitang masaya muli ang ama.

Okey rin daw sa kanilang magkakapatid si Mariel. Katunayan ay tinuturuan pa nga raw siya nito ng tamang paglalagay ng make-up at pagdadamit.

Hindi lang makumpirma ni Kylie kung buntis na ba si Mariel. Basta ang alam niya ay masayang-masaya sina Mariel at Robin. Gerry Ocampo

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply