Azkals dibdiban ang ensayo

PUSPUSAN na ang ensayo ng Philippine national football team habang papalapit ang laban nito kontra Mongolia para sa AFC Challenge Cup sa Pebrero 9 sa Panaad Football Stadium sa Bacolod City.

Limang araw sa loob ng isang Linggo ang ginagawa nilang ensayo bilang preparasyon sa nalalapit nilang laban kontra Mongolia.

Ayon kay Dan Palami, team manager ng Azkals, personal na pinangangasiwaan ni German coach Hans Michael Weiss ang training ng national team sa University of Makati football fields, simula ng dumating ito sa Pilipinas.

Ayon naman kay Weiss, na-impress siya sa ipinakita ng mga Azkals ngunit kailangan pa umanong mapag-igi pa ang depensa nito.

Target ng Azkals ang manalo sa first leg ng two-game qualifying series sa 2011 Asian Football Confederation  Challenge Cup.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply